“Thank You”

kahit sinu naman siguro alam ang salitang “thank you” diba? kahit nga bata alam eh. Alam din kung panu gamitin kasi kahit sa pag-abot lang ng maliliit na bagay eh napapasabi tayo ng “thank you” o “salamat” sa taong nag-abot nito sa atin, diba? Pero lahat ba talaga tayo marunong gumamit ng “thank you” o “salamat”? Sa tingin ko HINDI, kasi yung salitang yun hindi pala dapat basta-basta nalang gamitin o sabihin. Ang salitang ito pala ay hindi dapat gamitin sa kahit na anung oras na gusto natin itong gamitin. Hindi rin pala kahit sinu dapat makarinig ng “thank you” o hindi rin pala kahit na anu ay magsabi tayo ng “thank you”.

Alam ko kung anu nasa isip nyo ngayon. Nasasabi nyo na mali ako at hindi totoo ang sinasabi ko. Well, nasa sa inyo po yan hindi ko po kayo pipilitin. Kasi ang alam natin lahat ang “thank you” ay isa sa mabuting gawain. OO, mabuting gawin kung ginagawa natin at ginagamit sa tamang paraan. Hindi porke ganito ako magsalita eh huhusgahan nyo na ko. Basahin mo muna, OK?

Tanung ko lang, gaanu ba tayo kadalas gumamit ng “thank you”? madalas na madalas ba??? kung OO ang sagot mo, ito ang tanung ko sa’yo.. “Nagagamit mo madalas ang “thank you” at sinasabi mo sa mga tao, kay God kaya gaanu mo kadalas sabihin ang salitang yan??Madalas na madalas din ba??pagkagising mo sa umaga nagpapasalamat ka ba agad kay God???” kung OO ang sagot mo, mabuti ang ginagawa mo kasi sa umpisa palang ng araw alam mo na kung sinu agad ang pasasalamatan mo. Pero kung hindi naman ang sagot mo may tanung ulit ako : “kelan ka huling nagpasalamat kay God sa binigay niyang biyaya sa’yo??kelan ka huling nagpasalamat sa buhay na pinahiram nya sa’yo??kelan ka huling nagpasalamat sa magandang buhay mo??naaalala mo pa ba talaga kung kelan mo ginawa yun?? di mo na maalala kasi matagal na ang nakalipas at mabaon na sa limot. tama???

Panu kaya kung makalimutan ka din ni God???magiging masaya ka kaya??magkaroon ka kaya ng mga bagay na meron ka ngayon sa iyong buhay??magiging safe ka pa kaya sa araw-araw??o kahit sa simpleng tanung nalang…mabubuhay ka pa kaya at nababasa mo pa kaya tong post ko kung nakalimutan ka na ni God??? HINDI na malamang..pero dahil nabasa mo pa to hindi ka pa niya nakakalimutan at hindi ka pa niya napapabayaan. Kaya kung ako sa’yo ngayon palang kausapin mo si God at magpasalamat ka sa mga natatamasa mo ngayon..kung wala man magpasalamat ka parin kasi buhay ka pa at dahil nabubuhay ka pa may mga plano pa siya para sa’yo , at magpasalamat ka kasi may nakalaang magandang plano para sa’yo. Magpasalamat ka sa kanya ng bukal sa iyong puso at mula sa ikabuturan ng iyong puso. Dahil sa simpleng “Thank you” mo sa kanya malaking bagay na yun para sa kanya kasi sa panahon ngayon bihira nalang ang mga taong may panahon para pasalamatan siya.

Kaya para sa’yo “Thank you” kasi nabasa mo to kahit alam kung busy ka. Thank you din dahil hindi niya pa tayo nakakalimutan. Thank you din dahil may kinakain pa tayo at may mga mahal pa tayo sa ating buhay. Thank you din kasi hinatid ka niya sa mundong ito…and mula sa aking puso “Thank you” dahil natapos mo ang pagbabasa.. =)

Sana pakinggan mo ang kantang toh… =)

Noong ako ay maliit pa, hindi kita naiintindihan sa iyong mga kinikilos, pagiging iba at sa pagiging funny sa ibang paraan. Hindi ko rin nabigyan ng halaga ang mga kaalaman sa iyong mga salita o di kaya yung mga nainis mong iparating o ipahiwatig sa akin sa tuwing ikaw ay tumatahimik na. Binalewala ko rin ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga pangarap na ako ay mabigyan ng isang matiwasay, maganda, kumportable at may siguridad na buhay.

Sa mga oras na ‘to gusto ko pong sabihin sa’yo na:

“Maraming Salamat, aking mahal na Ina..”

Salamat sa mga panahong inukol mo para ako ay makasama simula nang ako ay maliit pa hanggang ngayon.

Salamat sa iyong gabay sa mga panahon na ako ay nahaharap sa malaking pagsubok sa aking buhay.

Salamat sa walang pakundangang pagmamahal sa mga oras na ako ay hindi nakikinig sa mga payo mo at sa oras na matigas ang ulo ko.

Salamat sa protekta na binibigay mo sa akin at pagpapalaya habang ako lumalaki na at natututo nang tumayo sa aking sariling mga paa.

Ngayong malaki na ako ayoko ko pong mangako sa inyo subalit nais ko pong sabihin sa inyo na, gagawin ko lahat sa abot ng aking makakaya na kayo ay pagsilbihan, alagaan, pahahalagahan, at mahalin higit pa sa pagmamahal mo na ipinadama, ipinakita, at ipinaranas mo sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa Puong Maykapal sa regalo na ibinigay niya sa akin. Regalong hindi kayang tumbasan ng kahit na anung ginto dito sa mundong ibabaw,regalong walang makakapantay,  at regalong hindi lahat ay nabibiyayaan.

At IKAW yun aking Ina ang regalong pinakamahalaga sa akin at ipagmamalaki hanggang dumating ang araw ng aking kamatayan.

Mama, para sa’yo ang awiting ito….


How do you handle your anger? do you hurt people? do you shout? do you hit yourself? do you throw anything? do you want to hear cracking bottles, mirror, vase, lampshade? do you want to get drunk? do you want to scream? do you speak those bad words? do you spank walls? do you punch people’s faces? do you run? do you want to have a trip? do you cry? or do you just keep silent?

Those are the usual reactions when we’re angry. But you know what? that”s kinda freak, but whether we admit it or not  after we’ve done those freaky reactions we feel so light from our anger. Yes, that’s true because when we’re angry we really have to find some ways to express it or we must have an outlet how to cure our anger.

Yesterday i was out, i was in Mandaluyong City to meet someone but suddenly when i was on my way he texted me that our meeting is cancel because he has a work. So the first thing that i had in my mind was, “papunta na ako..anu kaya gagawin ko dun, ako lang mag-isa.. =(” but of course with a li’l bit anger ’cause i really don’t want to go out alone because of some reason. While i was walking at the overpass in Ortigas MRT Station i thought something that i should do. So i made a plan; 1st i will just walk and find a place where i can spend my time alone and it should be in a silent place. 2nd, if i found that place i’ll go to bookstore buy a pen and notebook so that i can write something that could help me to escape from being angry. 3rd, back to the place and set at the corner then write something.

My plans was all accomplished. I was in Starbucks having a coffee alone around 6:30pm and then i wrote something about me, my past, my hobbies, my addictions, about my family, my status, my love life, and etc. I was there until 8:00 pm, then i felt tired of writing my notes so what i did was out again in the shop then walk. My anger was still there it still bugs me and having a big question in my mind: “Why i feel like this???”. I was riding in MRT when there was a girl hit my back with her bag and that brought me in my boiling point. You know what i did? I argued with her. I told her something bad words and i don’t respect her, which made me realize a few minutes after that i let my anger control me. I felt so sorry because i really don’t know how to handle my anger.

You know what???honestly speaking i don’t know how i handled my anger. And most of the time people around me and knows me cannot predict if  i am angry or not. I just don’t know. Usually i just get my phone and let the music ease my anger. that’s it!then after that goodbye anger. You, How do you handle you anger?

Please pause my iPod before listening this video. After you clicked the “pause” please inhale and exhale then be ready for the message. Listen to this. Enjoy listening and be blessed.. To God be the glory!

Through this message i received God again as my Lord and Personal Savior..

Heavenly Father Loves you so much… He’s waiting for you to seek Him with your whole heart.. He’s waiting for you to be His child..

To God be the glory!

Paglalakbay

Posted: July 31, 2010 in Uncategorized

Pagsunod:
Bago niyo po umpisahang basahin ang blog ko, maaari po sana ay pakipindot ng “pause” sa aking touch screen na ipod sa kanang bahagi ng pahina. Pagkatapos niyo po pindutin ang pause paki-Play naman po ng video na nasa itaas. Maraming Salamat po sa pagsunod.

Ang pinaka-masayang paglalakbay ko sa aking buhay ay ang paglalakbay ko kasama ang Asian Academy of Business and Computers o kilalang AABC. Masaya kasi tinanggap nila ako kahit hindi ako “perfect”, tinanggap nila ako nang bilang ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga tao na nkilala ko at nakasama ko sa aking paglalakbay. Maraming beses akong nasaktan at maraming beses na rin akong nadapa, pero andyan sila para sa akin at naiintindihan nila ako.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang aming mga pinagsamahan simula ng ako ay pumasok upang magtrabaho hanggang ngayon. Lalo na yung pagbatok sa kin minsan ni Sir Morales, yung boses ni Ma’am Sha na minsan aakalain mong galit pero hindi pala,yung mga career talk na pinagsamahan namin nila Ma’am V, yung mga puyatan,yung pag-iihaw,yung mga tawanan,iyakan,kulitan,pikunan,bungisngisan,tampuhan at asaran namin nila Sir Jhun,yung mga banat ni Aram,yung debate ni Badette at ikie,yung “5pm syndrome” namin nila Brave, Ken, at Shella,at syempre yung paborito kong kili-kili ni Noah.Yung mga banat ko kay Sir Gaddi mamimiss ko yun, yung reading namin,yung pamumroblema kung anu ang uulamin sa tanghalian at hapunan,yung pamamalake sa Krus na Ligas,yung habang kumakain nagkakamay, yung mga tanungan at mga pelikula,yung pagtatago ng mga kubyertos at mga baso, yung paglalakad mula sa “139 Maginhawa hanggang sa Kalayaan”. At syempre yung tawa at pang-aasar ni Ivy. Pati yung Queen size bed, yung AABC Suite, yung AABC Economy Room, at yung MHI Room. Basta marami akong mamimiss. Naiiyak na ko.. =(

Hahayyysss…Kayo ang pinakamahalagang pangyayayari sa buhay ko, kayo kasi ang kasama ko lagi at kayo ang nagturo sa akin para mag-isip ng tama at maging mature sa pananaw sa buhay, at ang maging matatag sa pang-araw-araw na pamumuhay. Naging malaking bahagi kayo sa buhay ko kasi halos doon na tayo nakatira sa “AABC”. Kapag walang kasama na matutulog dun ang isa sa atin sinasamahan talaga natin.Kung may problema ang isa sa atin pinapatawa ng karamihan, kung galit na ang isa sa  atin pinapakalma natin, pag badtrip kinoComfort natin at maya-maya tatawa na at wala ng yung pakiramdam na “Badtrip”.

hahaysss…Napaka-saya ko sa aking paglalakbay…Paglalakbay ko na kayo ang kasama ay ang pinaka-masayang paglalakbay..Walang papantay sa kakulitan.. Mahal ko kayong lahat kahit alam kong hindi halata..ayun!!tumulo na luha ko.. T.T huhuhuhu mamimiss ko kayo..

WHO LOVES YOU???

yan ang tanung na kahit kelan ay hindi ko masagot ng maayos..di ko naman kasi alam kung sinu ang nagmamahal sa akin maliban sa family, friends, and relatives ko..na-iinggit nga ako sa iba eh kasi ang daming nagmamahal sa kanila..i mean love na special and galing sa special someone..ako kasi wala eh..nagkaroon ako pero 1 yr. and 6months ago na..diba mejo matagal na..now gusto ko nang magkaroon ng Special someone kaso hanggang pangarap nalang ata ako..baka nga tatanda ako ng mag-isa eh..hahays…

Isip ko laban sa Puso ko;

Puso ko: hhhmmm ligawan ko nakaya ang gusto kong lalake??

Isip ko: anu ka ba???di tama yan…

Puso ko: eh gusto ko siya eh,and gusto ko na magka-BF..

Isip ko: maghintay ka sa tamang panahon at tamang lalake..

Puso ko: sus..yan din ang sabi nila sa akin..kita mo anung petsa na pero wala parin..

Isip ko: darating din yan konting tiis lang..

Puso ko: hanggang kelan naman kaya ako magtitiis??

Isip ko: hhmmm hanggang sadumating ang panahon..

Puso ko: anu ba kasi ang problema bat ayaw mo??

Isip ko: ayaw ko lang kasi na padalus-dalus ka..

Puso ko: bakit nga??

Isip ko: eh kasi ayawko lang na masaktan ka ulit..

Puso ko: di na ko masasaktan..handa na ko magmahal..

Isip ko: hhmm I don’t think so..

Puso ko: bakit naman??

Isip ko: eh kasi ang alam ko pag handa ka nang pumasok sa isang relationship nagkakaunawaan tayong dalawa..

Puso ko: ganun??=(

Isip ko: Oo..

Haayysss…Natapos din ang pagtatalo ng dalawa at nanalo si Isip ko. Hahays..hirap pala pag andaming mong nakikitang couples na ang sasaya..tapos ikaw wala..=( hhhmmmm Sabi nila swerte ko daw kasi single ako at magagawa at makukuha ko daw lahat ng gusto ko..sabi ko naman “hindi lahat.. =(“… hindi nga naman talaga lahat kasi ang gusto kong magkaroon ulit ng bf ay hindi ko parin nakukuha..kaya hanggang ngayon di ko parin masasagot ang tanung na “Who Loves You?”.

FHM Magazine

Posted: July 27, 2010 in Tungkol sa akin
Tags: , , , , , , ,

Alam niyo pangit man pakinggan sa tenga..natural tenga alangan naman sa ilong..diba syempre sa tenga..ok balik tayo sa topic..pangit man pakinggan pero gusto ko talaga maging model ng FHM Magazine..ewan ko ba..simula pa talaga yan nung maliit pa ako..

kaya noong nag-Acquaintance Party kami dapat photographer lang ako para sa Pioneers Chronicle pero may nagBack-out, eh dalawa lang kaming babae dun,yung isa ayaw niya ako mejo gusto na ayaw..pero nung tinulak ako ni Alvin na ako na daw,ayun!napapunta ako dun.Alam niyo last rehearsal na yun..pero since every practice nila andun ako so mejo kabisado ko na ang formations nila kaya di na ako nahirapan…Segments 2,4,5 and 7 ako lalabas kaya ayun!!dahil last rehearsal na yun ,nangarag ako kakahanap ng mga gagamitin ko pero fortunately lahat ng segments na lalabas ako madadali lang..mejo nga ilang ako sa unang segment kasi Summer Beach Bomb or nakaTwo Piece lang ako..haha ilang ako kasi Conservative ako eh..pero yun!carry ko naman..=) tapos after nung segment na yun sobrang saya ko kasi diba kahit papanu natupad yung dream ko na makapagRampa sa stage..=)

Read the rest of this entry »