Si Amie

Ako po is Amie Rhose Gabayan Rosal. Ang tawag po sa akin ng aking mga kaibigan ay “ams” “mie” at minsan ay “amie”, pero ang tawag po sa akin ng aking pamilya ay “yam-yam”, ako po 20 taong gulang, pinanganak po ako noong ika-30 ng Hunyo taon 1990. Mayroon po akong 2 kapatid na babae at 1 lalake, 4 kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ako po ay anak nila Ginoong Winnie Rosal at Ginang Luz Gabayan Rosal.

Noong ako po ay nasa Kinder Garten, ako po ay nag-aral sa Surallah Alliance Church isang pribadong paaralan. Noong ako po ay Elementarya ako po ay pinag-aral ng aking mga magulang sa Surallah Central Elementary School isang pamPublikong paaralan.Nang ako po ay tumuntong na sa lebel ng Sekondarya ako po pinag-aral ng aking mga mababait na magulang sa Alah Valley Academy isang pribadong paaralan. At nang ako po ay nasa Kolehiyo na, ako po ay pinag-aral dito sa Maynila, sa paaralan ng Asian Academy of Business and Computers na kilala sa tawag na AABC, at pinakuha po ako ng kursong Information Technology na kilala sa tawag na IT.

Ngayon po ako po ay nagtatrabaho na sa paaralan ko noong ako po ay nasa kolehiyo, sa Asian Academy of Business and Computers o AABC. Ako po ay isang Encoder / Programmer Intern.

Sa aming mga magkakapatid lahat po sila ay mga pamilyadong tao na po at ako nalang po ang nag-iisang dalaga. Ako po ay isang dalaga na wala po planong mag-asawa. Lahat po ng plano ko para po sa pamilya ko lalong lalo na po sa Mama at Papa ko.

Ang aking pamilya ay sapat na po para sa akin para bigyan ako ng inspirasyon para sa aking pang-araw-araw. Lahat po ng ginagawa ko po ay para lamang po sa kanila.

Kung tatanungin niyo po ako kung anu po ang pinaka-Pangarap ko para sa aking sarili ay dalawa lang po, yun po ay ang maging isang Modelo sa Magasin at maging magaling na Photographer pagdating ng araw.

Hahaha yan..sila ang mga katabi ko sa aking pagtulog. Yang malaking bear, siya si brownie, yung dark brown puppy siya si pam-pam, yung katabi nyang maliit na bear siya si josh, yung katabi ni josh si jiemie, yung kulay green siya keropee (haha di kita muka ng frog ko) yung donkey siya si doodle, at yung nakapatong sa bag siya si Kandi. Sila ang aking mga mahal sa katabi sa aknig pagtulog.Masarap silang kayakap lalo na si brownie, minsan nga si brownie dinadamitan ko yan. Hahaha Wag niyo nalang itanung kung kaninong damit ang pinapasuot ko sa kanya. =)

Ay! Kulang pa pala, wala si baby tiger ko. Si baby tiger siya si yung una kong baby. hahaha ok ito si baby tiger ko. Si baby tiger ko pinanganak ko po noong December 26, 2009. Tatay niya po si____ (di po pwede sabihin baka po kasi mabasa ng kanyang asaw) =) basta si baby tiger ko inabot yan sa kin ng kanyang ama..kanyang ama na ngayon ay wala na. hahaha well, yaan mo na.

Sila po lahat ang kasama ko sa gabi at aking katabi sa aking pagtulog. kapag ako ay umiyak umiiyak din sila pero they always comfort me. they always make me smile and laugh. they comfort me as well. mas maganda pa nga sila magcomfort. they are also a good listener, nakikinig lang sila at walang imik. which is good enough at least alam nila yung saloobin ko. hindi sila pasaway, hindi rinmaingay at hindi pagala-gala. Pag sinasabihan ko sila na sa room lang sila, doon lang talaga sila, di sila umaalis, at hindi gumagalaw. hahaha kaya mahal ko sila ng sobra eh kasi nakikinig sila at masarap sila kasama. kaya kahit walang boyfriend, ok na ako kasi lahat sila kayakap ko at katabi ko sa aking pagtulog. =)

December 16, 2008

Nagsimula ang lahat sa biruan sa text. Tinext kita at nagreply ka, tinanung kita kung kamusta ka na ang sabi mo ” ito ok lang, kaw? musta love life mo? ” ako naman syempre nagreply, ito ok lang din., hhmm lovel life??? ü hehe ito wala parin..kaw?” “wala na..kakabreak lang namin” reply ako “ganun???bakit???” ang reply mo ” eh wala na eh…” ang reply ko “hhhmm single ka single din ako…hhhmm eh di tayo na???” noong una sabi mo ayaw mo pero pagkatapos ng limang minuto biglang nagbago ang isip at sinabi mong “Bakit papayag ka ba??” ako naman syempre matagal ng kitang crush eh kaya sabi ko ” OO…kaw pa!!” at doon na nagsimula ang ang lahat…

Mga bandang alas-9 ng gabi uwian namin nang bigla kang nagtext na “uwian niyo na ba??sunduin kita” reply ako ” ha????totoo pala yun??” at sabi mong ” OO, bakit akala mo joke lang yun??” reply ko ” hala!!kala ko joke lang yun..” reply mo naman ” dito na ko jeep papunta na ko jan..Love you..” reply ko naman “ingat ka po..labyu din..hintayin nalang kita dito sa school…” mga ilang minuto pa ay dumating ka na…noong una nagtago ka pa sa may Van kasi nahihiya ka pa magpakita, pero mga 3 minuto ayun na lumabas ka na..bigla na akong kinabahan kasi hindi ko talaga lubos maisip na totoo pala yun..

Ang unang lugar na pinuntahan natin ay ang Power Books sa Gateway . Doon tayo pumunta kasi nagpasama ka sa akin bumili ng French Dictionary kasi sabi mo gusto mong matuto magsalita ng French. Wala kang nagustohan na French Dictionary kaya bumalik nalang tayo sa school. Pag balik natin andun parin sila naghihintay sa atin. Kunting kwentuhan at aminan tungkol sa ating dalawa. Mga siguro alas-11 na ng gabi nang biglang nagkayayaan na umuwi na. At umuwi na nga tayong lahat. Alalang alala ko pa, habang naglalakad tayo noon kinukwento mo sa akin ang pinaka pangarap mo sa buhay at ang rason mo kung bakit ayaw mo pa umuwi doon sa mama mo. Di ko na ikukwento dito kasi nangako ako sa’yo noon na ‘di ko pagsasabi.

Habang naglalakad tayo hindi mo lang alam kung gaanu ako kasaya noong mga panahon na yun. Masaya ako kasi syempre nakasama kita, at sinundo mo pa ako. Alam mo parang ayaw ko pa nga umuwi noon eh kasi masaya ako sa’yo. Pero hindi pwede eh kasi may pasok kinabukasan.

December 17, 2008

3:00 am nagtext ka “Bhie, gising ka pa? dito ako ngayon sa Kowloon Bar kasama ko mga kaBanda ko.Miss na kita..Thanks for saving me..I love you..mwah!pag gising mo text mo ko agad..love you miss you..” mga 4:00 am ako nagising at nabasa ko ang text mo..syempre dahil nagtext ka natural rereply ako ” Hi! bhie, kakagising ko lang.. labyu so much..miss you na din po..ingat ka po sa pag-uwi at wag ka po inum ng madami..ingat ka..lagi mo po tandaan Mahal po kita ng sobra..mwah!” hindi katagalan tumunog ang cellphone ko…at ikaw nga ang nagText.. “bhie,pauwi na po ako..nagTaxi na ko kasi dala ko ang guitara ko..bhie,bukas kain tayo doon sa Kowloon House..,sunduin kita…” reply naman ako “hindi ko alam yun bhie..pero sige..kaw bahala..” tumunog ang cellphone ko..1 message recieved..at pangalan mo ang nakita ko.. “bhie,dito na po ako bahay..meme na tayo..antok na ako..mwah!love you..” reply ako “sige po..meme na po tayo..mahal po kita..ingat ka lagi..mwah!”

Simula ng pagGising mo buong araw tayo magkatext

Gabi ng at nakita na kita baba ng school nakaupo.. “hi!bat di ka po pumasok” ang aking tugon sa’yo..sabi mo “akyat sana ako kaso nahihiya ako..atsaka patapos na din..kaya dito nalang ako baba..” Hindi tayo natuloy sa Kowloon House kasi gabi na..kaya kumain nalang tayo sa labas…Sarap kumain kasama mo..kasi ikaw palang busog na ko.. ü hehehe

Pagkatapos natin kumain, bumalik tayo sa school at hinatid mo na ko sa sakayan ng bus kasama yung EL-Ma..

December 18, 2008

3:00 am…tutot tutot..tunog ng cellphone ko.. “bhie, alam ko meme ka pa..pero gusto ko lang malaman mo na swerte ako kasi ikaw ang gf ko ngayon..love you bhie..mwah!

7:00 am ako gumising..nang makita ko ang text mo syempre binasa ko tapos nagreply ako sa’yo.. “bhie, morning po..breakfast ka na po??wag ka po papagutom..lagi mo tandaan mahal po kita..tapos miss na kita tapos kaw lang po ang mahal ko..ingat ka po lagi..mwah!”

alam ko na tulog ka pa noong nagtext ako sa’yo kasi after mo ko ihatid pumunta ka pa sa gig mo..

December 19 & 20, 2008

Nag-usap tayo na sasalubungin natin ang Pasko kasi sa 24 ng gabi pupunta ka ng Bulacan. Pinag-usapan natin kung san tayo magkikita at kung saan natin icecelebrate ang Pasko natin na magkasama..

December 21, 2008

Last night ng carolling ng Salus Populi..pero for the whole day magkasama sa studio..kinantahan mo pa nga ako noon eh..ang kanta mo “Bakit ngayon ka lang” kinikilig ako noon habang kinakantahan mo ko sa harap ng mga kaBanda mo..

Kinahapunan noon mga 5:30 pm kinailangan kong umalis kasi kailangan kumpleto ang Salus pag Carolling. Hinatid mo sa sakayan kasi hindi kap pwede sumama sa Carolling kasi mag-iinsayo pa kayo..

Kinagabihan mga 10:00pm nagkita tayo sa Ponkan Bar kasama ang iilan na myembro ng EL-Ma..
Noong nakita mo ako bigla kang tumayo at nagpasama sa akin sa Mini Stop para bumili ng Minute Maid na paborito mong juice, tapos naglakad-lakad muna tayo at nag-uusap..Ang saya-saya ko noon kasi niyayakap mo ko at hawak mo pa ang kamay ko..

Nakita natin ang Dunkin Donut at sabi mo “bhie,tara sarap ng kape dito..dali pasok tayo..” umorder ka ng dalawang brewed coffee kasi we both like brewed coffee..

Inabot tayo ng 12:00 am doon at bumlik na tayo sa Ponkan Bar. Pero pagdating doon paalis na ang EL-Ma at naghahanap ng isa pang Bar kasi gusto pa nila uminum, sabi mo doon na sa studio nyo..kaya next spot is NEW CITY HOUSE..at doon mo na nagawa ang matamis mong halik… (oops!bawal na ikwento kasi private.. )

Madaling araw na kaya uwian time na…

December 22, 2008

Hindi tayo nagkita kasi naghahanda tayo para sa pag salubong ng Pasok…

December 23, 2008

Wala parin tayo ma-isip na place kung saan natin icecelebrate ang pagsalubong natin sa Pasko..kaya naisip ko na yayain ka sa Christmas Party ng S.P, CMD, and EL-Ma..

Gabi ka na pumunta kasi nagpraktis pa kayo ng mga kBanda mo…tinext kita na magdala ka ng jacket kasi hindi ko kaya ang lamig…

Sa wakas dumating na ang aking mahal na MANDIRIGMA suot-suot ang jacket na pinapadala ko..

Haist! naglakad tayo ng pagka haba-habang Baywalk kasama ang mga S.P, CMD, and ang puro antok na mga EL-Ma..niyaya mo ko maglakad pabalik kasi sabi mo para makausap mo ko nang solo…uuhhhmm syempre ako din gusto din kita makausap ng solo kaya ayun!!sumama ako..hala!!paglingun natin malayo na sila..amp!!=( iniwan tayo.. =( kaya nagpasya ka na bumalik nalang talaga tayo..umuulan pa noon ( dream ko yun na makasama kang naglalakad sa ulan,hawak-hawak ang kamay..)

December 24, 2008

1:00 am nang nasa Recto tayo..antok ka na at antok na din ako..nagPasya tayong dalawa na maghanap ng mas comportableng tuloogan at ang naisip natin ay NICE kaya ayun!!lakad kunti at nakarating na din..C-I time 1:30am pasok sa room pahinga konte..ligo tapos tulog na tayo..

6:30am nang nagising tayo at biglang tumawag ang ate…7:00am hinatid mo ko sa sakayan ng train tapos syempre andoon na ang sweet goodbye kiss..

magkatext tayo buong araw noon kasi hindi na tayo magkikita..andoon na ang maraming I LOVE YOU, MISS YOU, TAKE CARE at MWAH!

Bandang 9:00pm nang tumawag ka at sinabi mong I LOVE YOU..I WILL MISS YOU SO MUCH..THANK YOU FOR SAVING ME..I LOVE YOU..

December 25 – 31 , 2008

Text ako ng text sa’yo walang reply ni isa..tawag ako hindi sinasagot laging pinapatay ang cellphone..

January 01,2009

Nagtext ako sa’yo… “ bhie..miss na po ng sobra..wag ka po pagutom..labyu po..ikaw lang ang lalake sa buhay ko..mahal na mahal na mahal na mahal na mahal po kita..miss you..mwah!

10:46am walang tao sa bahay…bigla…beep! beep! excited akong makita kung sino ang nagText..Yehey!!nagtext ka na din..sa wakas..

At nang mabasa ko ang text mo, hindi ako makapaniwala at bigla ko nalang tinapon ang cellphone ko pumasok ng banyo at iniinum ang CLEAR na SHAMPOO…sabay sabing bakit mo ginawa sa akin to…bakit mo ko sinaktan ng ganito..mahal kita..ikaw lang ang minahal ko ng ganito.. AJIE!!!!!!!!!!

kinagabihan naglasing ako at nagyosi ng pagkarami dahil sa akala kong baka umiba ung text mo pag nabasa ko ng lasing ako..pero ganun parin ang text mo..walang pinagbago…

Enough na mie..i’m getting married this April…

Ang sakit..sobrang sakit..hindi ko na kaya…ang sakit sakit sakit sakit sakit na talaga ng TYAN ko kasi naghalo na ang Shampoo at Alak.. huhuhuhuhuhuhuh T.T akala ko noon mamamatay na ako..pero haist!!!buhay pa pala..nagsuka lang ako…amp!!!lecheng shampoo yun!!

Ngayon

1 year & 6 months

na ang nakalipas pero ikaw parin ang mahal ko…ewan ko ba…di ko alam kung bakit…basta ito lang masasabi ko sa’yo…

MARAMING SALAMAT SA PAG-IWAN…KAHIT GANUN NA GINAWA MO SA AKIN..IKAW AT IKAW PARIN ANG MAHAL KO…

Comments
  1. hahaha.. mahal na mahal mo ang ating sariling wika dear :) lol

    keep posting !

    mwah!

    • Ahmiezumie says:

      syempre… hahah lol

      i will.. =)

      mwah!!

  2. leshang`labo says:

    keep it up po :) ) :*

    • Ahmiezumie says:

      kaw din..emo leshang.. =)

  3. leshang`labo says:

    emo amp. di ah. =))
    eyeroll. hehe. :)

  4. mix.cutelyn says:

    hanqa nman me sau .. !!!

    • Ahmiezumie says:

      hanga saan?? =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s